·
MAIKLING KWENTO
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad
ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang
tinuturing na "Ama ng Maikling
Kuwento."
·
NOBELA
Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong
piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000
salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig
at naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay
kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na
istilo.
·
DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan
o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang
itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula,
dramatista, o dramaturgo.
·
DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na
maituturing na maikling maikling kwento. Bagamat walang katiyakan ang
pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng
pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para
masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang
hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kwento.
· MITOLOHIYA
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga
tradisyonal na kuwento o mito (Ingles:
myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.
Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga
paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano
nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at
kuwentong-bayan.
Para sa akin, ang mga anyong
panitikan na ito ay nakatutulong para sa pagpapaunlad ng kaalaman ng isang tao o mag-aaral. Dahil dito may mga nakukuha tayong mga aral na maisasabuhay natin sa pang-araw araw. At kailangan din itong mapag-aralan upang mas lalong magbukas ang kaisipan at malaman ng bawat isa kung paano ito nagmula at kung paano nabuo o nagawa ang isang dula, maikling kwento, dagli, mitolohiya at nobela.
panitikan na ito ay nakatutulong para sa pagpapaunlad ng kaalaman ng isang tao o mag-aaral. Dahil dito may mga nakukuha tayong mga aral na maisasabuhay natin sa pang-araw araw. At kailangan din itong mapag-aralan upang mas lalong magbukas ang kaisipan at malaman ng bawat isa kung paano ito nagmula at kung paano nabuo o nagawa ang isang dula, maikling kwento, dagli, mitolohiya at nobela.